1.11.09

PASKO MEDLEY - PASKO NA NAMAN, NOCHE BUENA, PASKO SA NGAYON - LYRICS

Pasko na naman
O kay tulin ng araw;
Paskong nagdaan.
Tila ba kung kailan lang.

Ngayon ay Pasko, dapat Pasalamatan

Nayon ay Pasko, tayo ay mag-awitan!

(Repeat 1st stanza except last word)

...mag-awitan!


CHORUS:

Pasko! Pasko!

Pasko na namang muli,
Tanging araw nating
pinakamimithi,
Pasko! Pasko!

Pasko na namang muli,

Ang pab-ibig, naghahari.

(Repeat Chorus)

Tayo na, giliw magsalo na tayo,

Meron na tayong tinapay at keso;

Di ba Noche Buena sa gabing ito.

At bukas ay araw ng Pasko?

Nagsabit ang parol sa bintana.

May awitan habang ginagawa;

Ang Pamasko nilang ihahanda,

Ang bawat isa'y natu-tuwa


(Repeat 3rd Stanza)
(Repeat Chorus except last word)

.. naghahari

SA PASKONG DARATING - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

Sa Paskong darating
Santa Klaus n'yoy ako rin
Pagkat kayong lahat
Ay naging masunurin.
Dadalhan ko kayo
Ng mansanas at ubas
May kendi at tsokolate
Peras, kastanyas na marami.
Sa araw ng Pasko
Huwag kang malulumbay
Ipagdiwang ang araw
Habang nabubuhay.

(Repeat 1st Stanza except last 2 lines)

Pagkat kayong lahat
Ay mahal sa akin

(Repeat Intro)
(Repeat All)
(Repeat 1st Stanza except last 2 lines)


Pagkat kayong lahat
Ay naging masunurin


Pagkat kayong lahat
Ay mahal sa akin.

CHRISTMAS CARD - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

Hoy, sa araw ng Pasko
Maghihintay ako ng Christmas Card
Mula sa 'yo.
Hakit na 'yong simple lang
Basta may "I love you"
Na nakasulat man lamang.

CHORUS:
Sa Christmas card mo sinabi
Na ako ay love mo
Sa Christmas card ko inamin
Na ikaw rin at love ko.

(Do 1st Stanza chrods)
Ay! Naalala ko
Ika'y walang imik
Pag ako ay kaharap
Kaya ako ay nagsulat
Sa card mo dinaan
Ang di mo mabigkas.

(Repeat Chorus except last line)

Na ikaw rin ay love ko

(Repeat Chorus, 2x)

PASKONG ANONG SAYA - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

Bati nami'y Merry Christmas
At bagong taong sagana
Pasko ay pandiwang
Pang-araw na dakila
Dapat tayong manatili
Sa buhay na mapayapa
Upang lumigayang tunay
Ang ating Inang Bansa.

Merry Christmas, Merry, Merry Christmas
Paskong anong saya
Happy New Year, Happy, Happy New Year,
Bagong taong sigla
At kung kayo'y lumigaya
Pagdating ng Christmas
Kayo'y makakaasang kami'y magagalak.

(Repeat 2nd Stanza)

(Repeat last 3 lines of 2nd Stanza)
(Repeat all)
(Repeat 2nd Stanza)

Merry Christmas (3x)

INAANAK - BOOGIE - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

"Ninong, are you there?
Merry Christmas, ninong!"


Tuwing magpapasko lang tayo nagkikita

Mga inaanak, kayo ba'y kumusta na

Parang kailan lang di ba kay liit n'yo?

Ngayo'y nagtataka, gumaganda't guma-guwapo

Ano na nga ba ang mga pangalan n'yo?

Sino nga ba si alin at sino ba si ano?

Pagpasensiyahan mo na ang iyong regalo

Sa pamimili nito ako ay nahilo

'Di kasi maalala kung ilang taon ka na

'Di kasi maalala kung babae o lalaki ka

Kahit na maubos pa ang pera ko

Basta lang makita nakangiti kayo.

REFRAIN:

Merry Christmas, mga inaanak

Alam n'yo ba ang ninong n'yoy nagagalak

Na makita kayo sa paskong ito

Salamat at naalala n'yo ako

Tara na't kumain, tayo'y magsaya

Tayo nang magsama, parang isang pamilya--yeah!


Kung bakit pa kasi minsan lang itong pasko

Dalas-dalasan n'yo naman ang dalaw n'yo

Kung alam n'yo lang na kayo ay hinahanap

'Pag narito kayo ano'ng ligaya ko

Mga inaanak, minamahal ko kayo

(Repeat Refrain)

(Repeat Refrain 3x)

Merry Christmas!
Merry Christmas!
Wooooooh.. oh..
Merry Christmas!
"Merry Christmas, Ninong!"

HIMIG NG PASKO - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

Malamig ang simoy ng hangin

Kaysaya ng bawat damdamin

Ang tibok ng puso sa dibdib

Para bang hulog na nang langit

Himig Pasko'y laganap

Mayrong sigla ang lahat

Wala ang kalungkutan

Lubos ang kasayahan



Himig ng Pasko'y umiiral


Sa loob ng bawat tahanan


Masaya ang mga tanawin


May awit ng simoy ng hangin


Repeat 2nd Stanza
Repeat Last Stanza


Ang tibok ng puso sa dibdib

Para bang hulog na ng langit.

HETO NA ANG PASKO - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

Mga bata, hala gising na kayo

Heto na ang araw na hinihintay ninyo

Gisingin na si Inay at si Itay

Ang buong pamilya'y sisimba, sabay-sabay

Iba't ibang parol ang ating matatanaw

May berde, may pula, may puti at mayroong dilaw


REFRAIN:

Heto na ang Pasko, bumabatu sa inyo

Kay dami ng regalo sa ilalaim ng puno

Heto na ang Pasko, may dami-daming tao

Dumadalaw, nagsasaya, dahil pasko na


Ang pagkain, 'di magkasya sa mesa

Sa sobrang dami, pagtingin lang ay busog ka na

Magkaaway ay muling nagsasama

Ang mga problema'y kinalilimutan na



Sana bawat araw ay tulad nitong Pasko

Sana bawat araw ay magmamahalan Tayo


(Repeat Refrain except last 2 words)


...pasko na.

BAKA NEXT YEAR - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

Isa pang taon ang nagdaan

Tingnan mo at Pasko na naman

Sana alang nandito ka

Sa aking tabi, sana lang na


Sayang kung makita mo lang

Mga ilaw sa lahat ng tahanan

At sa bawa't sulok ay naririnig

Himig ng Pasko

Simo'y ng pag-ibig nadarama kahit saan



Sayang kung kapiling ka

Di sana'y Pasko'y masaya.


Hanggang may Paskong dumarating


Puso ko'y di titigil manalangin


Na ikaw'y makakapiling din


Baka lang naman, o baka next year

(Repeat 3rd stanza)
(Repeat 4th Stanza)
(Repeat 4th Stanza)


... baka next year

CHRISTMAS IN OUR HEART - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

Whenever I see girls and boys

Selling lanterns in the streets

I remember the Child

In the manger as He sleeps

Whenever there are people

Giving gifts exchanging cards

I believe that Christmas

Is trully in their hearts


Let's light our christmas trees

For a brigth tomorrow

Where nations are at peace

And all are one in God.


CHORUS:

Let's sing "Merry Christmas

And a happy holiday"

This season, may we never forget

The love we have for Jesus

Let Him be the One to guide us

As another new year stars

And may the spirit of christmas

Be always in our hearts


In every prayer and every song

The community unites

Celebrating the birth

Of our Saviour Jesus Christ

Let love, like that starlight

On that first Christmas morn

Lead us back to the manger

Where Christ the Child was born

So come let us rejoice

Come and sing the Christmas carol

With one big joyful voice

Proclaim the name of the Lord.

(Repeat Chorus except last word)

...hearts

Repeat Chorus, except last word,

... hearts.

MISS KITA KUNG CHRISTMAS - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

Ang Disyembre ko ay malungkot Pagkat  miss kita

Anu ma'ng pilit kong magsaya

Miss kita kung Christmas

Kahit nasaan ako

Papaling-paling ng tingin

Walang tulad mo;

Ang nakapagtataka'y

Maraming nakakahigit sa 'yo.


Hinahanap-hanap pa rin kita

Ewan ko kung bakit ba

Ako'y iniwan mong nag-iisa

Miss kita o gi-liw

Pasko'y sasapit, di ko mapigil

Ang mangulila.

Hirap niyan, Mayroong ka nang iba.


INSTRUMENTAL:

(Miss kita kung Christmas)

(Miss kita kung Christmas)

Repeat 1st stanza

Repeat 2nd Stanza except last line


CHORUS:

Hirap niyan...

(Kay hirap nga naman ng nag-iisa)

Hirap niyan, mayron ka nang iba.

(hoo)

TULOY-TULOY PA RIN ANG PASKO - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

O bakit kaya tuwing Pasko ay dumarating na
Ang bawa't isa'y para bang namomroblema
Hindi mo alam ang regalong ibibigay
Ngayong kay hirap na nitong ating buhay

Do Stanza chords)

Meron pa kayang caroling at noche buena
Kung tayo naman ay kapos at wala nang pera
Nakakahiya kung muling pagtaguan mo
Ang 'yong mga inaanak sa araw ng Pasko.


REFRAIN:

Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana'y maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy parin ang pasko

Do Stanza chords)

Mabuti pa nga ang Pasko noong isang taon
Sa ating hapag mayroong keso de bola't hamon
Baka sa gipit, Happy New Year mapo-postpone
At ang hamon ay mauuwi sa bagoong

Repeat Refrain
Instrumental
Repeat Refrain

CODA:
Tuloy na tuloy pa rin
(Tuloy na tuloy pa rin)
Tuloy na tuloy pa rin
(Tuloy na tuloy pa rin)
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko

SA MAY BAHAY ANG AMING BATI - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

Sa may bahay, ang aming bati

Merry Christmas' na maluwalhati

Ang pag-ibig ang siyang naghari

Araw-araw ay magiging Paskong lagi



CHORUS:

Ang sanhi po ng pagparito

Hihingi po ng aginaldo

Kung sakali't kami'y perwisyo

Pasensiya na pagka't kami'y namamasko.


(Repeat all then fade)

PASKO NA NAMAN - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

PASKO NA NAMAN

Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko
Dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko
Tayo ay mag-awitan

Refrain:

Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli!
Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli!
Ang pag-ibig naghahari!

Repeat first part and refrain (2x)

MISS KITA KUNG CHRISTMAS - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

MISS KITA KUNG CHRISTMAS
Music: Hermie Uy
Lyrics: Fe M. Ayala

Ang Disyembre ko ay malungkot
Pagkat miss kita
Ano man ang pilit kong magsaya
Miss kita kung Christmas
Kahit nasaan ako
Papaling-paling ng tingin
Walang tulad mo
Ang nakapagtataka'y maraming
Nakahihigit sa 'yo

Hinahanap-hanap pa rin kita
Ewan ko kung bakit ba
Ako'y iniwan mong nag-iisa
Miss kita, O giliw
Pasko'y sasapit 'di ko mapigil
Ang mangulila
Hirap niyan mayro'n ka ng iba.

PAYAPANG DAIGDIG - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

PAYAPANG DAIGDIG
Music/Lyrics: Felipe de Leon

Ang gabi'y payapa
Lahat ay tahimik
Pati mga tala
Sa bughaw na langit

Kay hinhin ng hangin
Waring umiibig
Sa kapayapaan
Ng buong daigdig

Payapang panahon
Ay diwa ng buhay
Biyaya ng Diyos
Sa sangkatauhan

NOCHE BUENA - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

NOCHE BUENA
Music: Felipe de Leon
Lyrics: Levi Celerio

Kay sigla ng gabi
Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok na tinola
Sa bahay ng Kuya ay mayro'ng litsonan pa
Ang bawat tahanan may handang iba't iba

Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro'n na tayong
Tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko

PASKO NA SINTA KO - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

PASKO NA SINTA KO
Music: Francis Dandan
Lyrics: Aureo Estanislao

Pasko na sinta ko
Hanap-hanap kita
Bakit ka nagtampo
Iniwan ako

Kung mawawala ka
Sa piling ko sinta
Paano ang Pasko
Inulila mo

Refrain:

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka
Sa piling ko sinta
Paao ang Paskong
Alay ko sa iyo.

ANG PASKO AY SUMAPIT - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

ANG PASKO AY SUMAPIT
Music: V. Rubi
Lyrics: Levi Celerio

Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsi-awit
Ng magagandang himig
Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig
Nang si Kristo ay isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawat isa
Ay nagsipaghandog ng tanging alay

Bagong taon ay magbagong-buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganaan

Tayo'y mangagsi-awit
Habang ang mundo'y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng Sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan

MOST POPULAR TAGALOG CHRISTMAS SONG

25 RECENTLY UPDATED MOST POPULAR BLOGS

Followers