1.11.09

INAANAK - BOOGIE - TAGALOG CHRISTMAS SONG LYRICS

"Ninong, are you there?
Merry Christmas, ninong!"


Tuwing magpapasko lang tayo nagkikita

Mga inaanak, kayo ba'y kumusta na

Parang kailan lang di ba kay liit n'yo?

Ngayo'y nagtataka, gumaganda't guma-guwapo

Ano na nga ba ang mga pangalan n'yo?

Sino nga ba si alin at sino ba si ano?

Pagpasensiyahan mo na ang iyong regalo

Sa pamimili nito ako ay nahilo

'Di kasi maalala kung ilang taon ka na

'Di kasi maalala kung babae o lalaki ka

Kahit na maubos pa ang pera ko

Basta lang makita nakangiti kayo.

REFRAIN:

Merry Christmas, mga inaanak

Alam n'yo ba ang ninong n'yoy nagagalak

Na makita kayo sa paskong ito

Salamat at naalala n'yo ako

Tara na't kumain, tayo'y magsaya

Tayo nang magsama, parang isang pamilya--yeah!


Kung bakit pa kasi minsan lang itong pasko

Dalas-dalasan n'yo naman ang dalaw n'yo

Kung alam n'yo lang na kayo ay hinahanap

'Pag narito kayo ano'ng ligaya ko

Mga inaanak, minamahal ko kayo

(Repeat Refrain)

(Repeat Refrain 3x)

Merry Christmas!
Merry Christmas!
Wooooooh.. oh..
Merry Christmas!
"Merry Christmas, Ninong!"

No comments:

Post a Comment

MOST POPULAR TAGALOG CHRISTMAS SONG

25 RECENTLY UPDATED MOST POPULAR BLOGS

Followers