Heto na ang araw na hinihintay ninyo
Gisingin na si Inay at si Itay
Ang buong pamilya'y sisimba, sabay-sabay
Iba't ibang parol ang ating matatanaw
May berde, may pula, may puti at mayroong dilaw
REFRAIN:
Heto na ang Pasko, bumabati sa inyo
Kay dami ng regalo sa ilalaim ng puno
Heto na ang Pasko, may dami-daming tao
Dumadalaw, nagsasaya, dahil pasko na
Ang pagkain, 'di magkasya sa mesa
Sa sobrang dami, pagtingin lang ay busog ka na
Magkaaway ay muling nagsasama
Ang mga problema'y kinalilimutan na
Sana bawat araw ay tulad nitong
Pasko
Sana bawat araw ay magmamahalan Tayo
(Repeat Refrain except last 2 words)
...pasko na.